Iisang Wika
Isang kultura, puno't dulo ng kalayaan
Ina at dahilan ng pagkakaisa at ng kasarinlan
Wikang Filipino ang siyang pangalan
Sanhi ng pagkakasundo't maging ang pagtutulungan
Salitang gamit ng lahat
Upang mga taksil ay maisiwalat
Luzon, Visayas, sa lahat ng lugar
Wika ng pagkakaisa ang siyang nabubulgar
Sapagkat ang wika'y, siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang ating tinatanaw
Instrumentong hatid ay pag-uunawaan,
Wika ng kapayapaan, hatid ay bayanihan
Panlahat na wika saan man bumagtas
Bayang sinakop, nagsilbi itong lunas
Lakas ng Pilipino sa tuwid na landas
Wikang Filipino, kayamana't hiyas.
0 comments :
Post a Comment